Monday, August 06, 2012

Dear M. Anonymouse - flailing business

Dear Manong Anonymouse,

Magpapatulong po sana ako sa negosyo.

Humina na po ang pagbenta ko ng mga pirated di-bi-di sa Quiapo. Kausap ko kaibigan ko sabi niya hindi na masyado bumibili ng tao ng pirated di-bi-di dahil dina-download na lang nila sa internet.

Ano po ba ang magandang negosyo?

Salamat po,

~~Ali Akhbar Muta-in-salen

===================
Sagot ni Manong,

Dear Ali Akhbar Muta-in-salen,

Naku, mahirap magnegosyo ngayon dahil sa GFC (Global Falling Crisis).

Mabuti pa mamasukan ka na lang sa akin - tiga-bantay sa aking negosyo - Ukay Corral - nagbebenta ng mga lumang damit na pinadala sa akin ng aking biyenan galing sa Isteyts. Sagot ko na ang lunch mo - spaghetti na may hotdog ulam sa kanin.

Hirap kasi humanap ng magbabantay. Mayroon akong kinukuhang magpinsan na magbabantay. Kaso masyadong mataas ang demands - gusto Wagyu steak ang lunch. Aba, ako nga boss-amo, fish ball lang ang lunch ko, e. Bukod pa roon, iyong isang pinsan British accent at iyong isa naman Aussie accent. Aba, baka maligawan at itanan lang iyan ng mga driver ng kuliglig - sino na ang magbabantay?

Ako'y umaasa na interesado ka,

~Manong Anonymouse

P.S.: Iyong carpet na ginagamit mo sa pagdasal kaharap ang Mecca pakitago lang kasi baka mabenta iyan nang 'di mo nalala'an....

P.S.S. As-salamu Alaykum!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home