Sunday, August 05, 2012

Dear M. Anonymouse - Team Smart Gilas

Dear Manong Anonymouse,

Sinimulan ko ang Team Smart Gilas program upang maibalik sa Olympics participation ang basketball ng Pilipinas. Sa kasawiang palad, hindi nagtagumpay ang Pilipinas sa Asian Basketball Championships 2011 kaya hindi nag-qualify sa London Olympics 2012.

Tuloy pa rin ang programa sa hangad na makasali ang Pilipinas sa Rio de Janiero Olympics 2016.

Ano ang maipapapayo ninyo sa programa?

Salamat po,

~~Manny V. Pangilinan

=================
Sagot ni Manong:

Dear Sir Manny V. Pangilinan,

Kasawiang palad, hello! Huwag na kayong umasa sa basketball dahil hindi talaga para sa Pinoy ang sport na ito. Wala tayong likas na tangkad at ang sport na ito umaasa sa tangkad. Ayon sa wiki ang average height ng Pinoy ay 5'3" samantalang ang average height ng ibang lahi ay halos 6'0". Mantakin ninyo iyong halos 9" height advantage malaking bagay na iyan sa basketball.

Noong araw, nananalo pa ang Pinoy sa basketball dahil nakatira pa sa cueva at nakabahag at di-pana pa ang mga ibang bansa. Pero ngayon, nakahabol na ang mundo kaya wala nang pag-asa ang Pinoy sa basketball.

Palagay na nating pumasok sa Olympics ang Pinas dahil nagka-guerra sa Middle East kaya hindi nakasali ang Iran at Lebanon. Palagay na nating nagka-bird flu sa buong Asia kaya hindi nakasali ang China at Korea. Anong ibabatbat ng Pinas sa Olympics? Napanood ba ninyo iyong Nigeria- USA game? Ang score: 156-73. E kung Pinas ang nakalaban ng USA - malamang ang score ay 256 - 3. Anong mukha ang ipakikita ninyo sa mga kaibigan at kamag-anak ninyo? Alangan naman magsuot kayo ng bayong sa ulo habang buhay.

Mabuti pa, kontratahin na lang ninyo ang Harlem Globetrotters. Kayo iyong patsy na team na pinaglalaruan at pinagtatawanan - Team Smart Gilas Galis. Ganoon din naman ang mangyayari sa inyo sa Olympics, at least sa Harlem Globetrotters kikita kayo. Tapos mamigay kayo ng FISH BALL pagkatapos ng laro, aba, matutuwa ang mga manonood sa inyo!

Hanggang sa muli,

~Manong Anonymouse

P.S.: Ang kikitain ninyo sa Harlem Globetrotters tour gamitin ninyo sa funding ng ibang sports sa Pinas: iyong may pag-asa ang Pinoy dahil hindi kailangan ng tangkad.

P.S.S.: May masarap akong sarsa para sa FISH BALL. Kontratahin sana ninyo ako mag-supply ng sarsa.

2 Comments:

At 2:05 am, Anonymous Anonymous said...

stupid post! contenders parin tayo anong sinasabi mong wala tayong pag asa? sa dami dami ng bansa sa Asia nasa top 4 tayo China, Sokor, Iran susunod tayo kasama Jordan and Lebanon. Saan natin ilalagay ang pondo sa Football? how stupid you can be? ano rank ng football natin kahit sumikat yan the past 2 years? ang layo! while tayo umaakyat uli ranking sa FIBA. So check your facts and "fact" your stupid thinking

 
At 1:23 am, Blogger JT said...

Thanks for stopping by.

Asians will never excel in basketball because of lack of height.

There are other sports besides football and basketball by which Filipinos can excel in.

-JT

 

Post a Comment

<< Home