Thursday, August 02, 2012

Dear Manong Anonymouse - 5

Dear Manong Anonymouse,

Isang araw namili ako sa Parco
May nakita akong dalagang type ko
Lumapit at nagpakilala ako
Binigay ko sa kanya ang cell # ko

Isang gabi lumabas kami
Sa Glorietta sa Makati
Kumain kami ng pasta at spaghetti
Bago kami nanood ng sine

Sa tagal ng panahon kami'y nagkagustuhan
Ang sarap ng aming kuwentuhan
Sa text at chat kami'y nagbababaran
Ang sarap kasi puro saya at katatawanan

Siya na talaga ang babae sa buhay ko
Kaya sabi ko, "Tara magpakasal na tayo"
Sabi niya, "Sige handa na ako"
"Basta payag ang mga magulang mo."

Kaya isang araw kausap ko ang tatay ko
Tungkol sa babaeng pakakasalan ko
Sabi ni Tatay, "Ano ka, gago?"
"'Di puedeng magpakasal kayo."

"Noong binata pa ako"
"Ako'y isang palikero"
"Kaya wari'y nagka-anak ako"
"Ang babaeng iyan ay kapatid mo hindi alam ng nanay mo"

Napakahapdi ngayon ng puso ko
Sa binitiwang balita ng tatay ko
Ano pong gagawin ko
Parang na ninyong awa, tulungan ninyo ako!!!

Umaasa,

~~Rock in a hard place

================
Sagot ni Manong:

Dear Rock in a hard place,

Kausap ko ang nanay mo ukol sa babaeng ito
Sabi niya sige pakasal na kayo
Dahil ika'y hindi naman tunay na anak ng tatay mo
Hindi alam ng tatay mo
Hanggang sa muli,

~Manong Anonymouse

P.S.: Patok talaga ang pamilya ninyo, yes yes yo!

P.S.S.: Kung kailangan mo ng notaryo
Timbrihan mo lang ako ng Sabado
Huwag po Linggo at patay ang cell phone ko
Dahil eto po'y araw ng DI-OP ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home