Friday, August 03, 2012

Dear Manong Anonymouse - 6

Dear Manong Anonymouse,

Sa hangad kong kumita ng pera, sumali po ako sa Climax Business strategies. Isa itong MLM business. Nagbayad ako ng kanilang fee at binigyan ako ng katakot-takot na promo material. Mayroon pang mga inspiration CD para maturuan ako kung paano magrecruit ng business downline.

Ang problema po ilang buwan na akong naghahanap ng ma-re-recruit wala pa rin akong ma-recruit. Lumapit na ako sa mga kaibigan, kamag-anak, ka-escuela at marami pang iba. Pero simula nang sumali ako sa business na ito, naubos ang aking mga kaibigan. Iniiwisan na ako ng mga kamag-anak. 'Pag tawag ko sa telefono at narinig ang boses ko ... ... binababa agad ang telefono. Wala na rin akong natatanggap na sagot sa text.

Paano po ang gagawin ko? Tulungan naman ninyo ako. P15,000 lang po ang entry fee at bibigyan ko kayo ng katakot-takot na promo material at mga inspiration CD para maging downline ko kayo.

Umaasa,

~~Broke Shields

================
Sagot ni Manong:

Dear Broke Shields,

-click-

Hanggang sa muli,

~Manong Anonymouse

P.S. -click- -click-

P.S.S.   -click- -click- -click-

0 Comments:

Post a Comment

<< Home